EL PRESIDENTE
-Reflection Paper-
Ang El Presidente ay patungkol ng naging buhay ng unang pangulo ng pilipinas na si General Emilio Aguinaldo na ginampanan ni Jeorge "E.R" Estregan. Ayon sa aking napanuod sa pelikulang ito pinakita dito ang naging karanasan ni Emilio Aguinaldo kung gaano kahirap at kalupit ang kanyang naging buhay dahil sa pagiging malupit na pamumuno ng mga kastila.
Sa pelikulang ito pinakita ang pagbabaliktanaw sa kabataan ni Emilio Aguinaldo na siya'y naging kolektor ng buwis kasama ng kanyang kaibigan at ginabayan o binalaan sila ng isang manghuhula sa kanilang magiging buhay sa susunod na mga panahon. Ayon sa matandang manghuhula si Emilio Aguinaldo "Miong" ang kanyang buhay ay tatagal at siya'y maging hari o magiging pinuno ngunit madaming magtatangkang agawin ang kanyang pamumuno at sa kanyang kaibigan naman sabi ng matandang manghuhula ay isang bala lang ang tatapos sa kanyang buhay.At ipinakita din sa pelikulang ito ang pakikipaglaban ni Emilio Aguinaldo sa mga kastila upang ipagtanggol ang kanyang mga kasamahan o kanyang nasasakupan na kasama niya sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng pilipinas laban sa malupit na kastila na sumakop sa ating bansa at ipinakita din dito ang paghahanda nila Emilio Aguinaldo ang pagmamartsa papuntang sultran.At ang naging halalan kung sino ang mamumuno sa Pamahalaang Himagsikan . Sa Halalang iyon ang mga naging nominado sa pagka presidente ay sina Andres Bonifacio,Mariano Trias at naging nominado din si Emilio Aguinaldo kahit wala siya sa halalang iyon.At si Emilio Aguinaldo nga ang na halal na Presidente sa Pamahalaan ng Himagsikan.Ito ay pinakanakikita sa pagsasalarawan ng desisyon na patayin ni
Bonifacio bilang isang desisyon na ipinilit kay Aguinaldo na gawin para
sa kapakanan ng rebolusyon, at sa kanyang dedikasyon sa unang Republika
sa gitna ng paksyonalismo na laganap sa kanyang mga heneral at kabinete.
Ipinapakita nito na sa halip na isang maniniil na inagaw lang ang
pamumuno ng rebolusyon, siya rin ay biktima ng sunod-sunod na
pagtataksil, mula sa mga Amerikano nangakong tulungan siya sa pagkalaya
ng Pilipinas mula sa kanyang sariling mga tao na ginamit ang kanyang
pangalan para makahiganti sa personal na away. Hindi ito nakakagulat
dahil ang El Presidente ay pinukaw sa memoirs ni Aguinaldo mismo. Dahil dito, mayroong ibang kaganapan na hindi sang-ayon sa consensus na pinapaniwalaan ng mga historians, at hindi masisiyahan ang mga pro-Bonifacio na manunood sa bersyon ng mga pangyayari.
Ng matapos kung mapanood ang pelikulang El presidente aking napagtanto na napakadaming pagsubok ang kanilang pinagdaanan marami ang nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para sa pakikipaglaban laban sa mga traydor o di mapagkakatiwalaang mga tao sa pangyayaring iyon.Na bago natin nakamit ang kalayaan sobra sobrang paghihirap ang kanilang naranasan;maraming dumanak ang dugo at namatay.Sa huli, ang pelikulang ito ay magandang hakbang para sa sineng
Pilipino: sa kabila ng masasabing pangit na paggawa sa pelikulang ito,
masasabing nakakalikha ito ng matinding diskusyon tungkol sa kasaysayan
natin; masasabing makakalikha ito ng panibagong interes sa kasaysayan
ng bansa natin.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento